top of page

Greetings to All this Feast of Our Lady of Lourdes


Message from Mark Legeza

Malugod ko pong ipinababatid ang aming pagbati sa pagdiriwang at paggunita sa Aparisyon ng Mahal na Birheng Maria. Ako po ay nagpapasalamat sampu ng aking Pamilya Legeza sa inyo pong lahat na walang sawang tumutulong sa pagpapaganda ng ating lungsod. Sa pagdiriwang at paggunita sa Aparisyon ng Mahal na Birheng Maria, tayo ay magsama sama at magpasalamat sa ating maykapal at sa patuloy na pagtanggap natin ng mga biyaya nitong nagdaang taon.

Napakabuti nya sa atin at tayo at patuloy na magtiwala sa kanya nang sa gayon ay maisakatuparan natin ang ating magandang mga mithiin. Sa pamamagitan ng ating Mahal na birheng Maria,tayo ay humingi sa Panginoon ng tatag ng loob, kakayanan,karunungan,kabababaang loob at lakas sa patuloy na pagserbisyo natin sa mga mamamayan ng Tagaytay.

Tayoy maglaan ng sandali upang maipagmalaki ang ating mga sarili. Ang pagdiriwang na ito ay tanda ng ating pagiging isang matatag na indibiduwal. Sa ating pagsisiskap sa pamamagitan ng kabutihan ay nakukuha nating malampasan ang bawat pagsubok na dumarating. Hiinihikayat ko po ang lahat na sariwain ang mga naisakatuparan nating kontribusyon para sa ating lungsod. Tunay na ang ganitong klaseng selebrasyon ay pagpapakita ng pagtaguyod, pagkakaisa ng bawat isa. Ang bawat isa ay nagpakita ng pagsisikap sa paghubog ng ating mga barangay ngayon. Ang pagdiriwang na ito ay lubhang kagiliw giliw.

Ipinaabot ko ang aking paghanga at pagpapasalamat sa mga leader ng ating mga barangays, simula sa minamahal nating Mayora, Kapitan at mga kagawad at sa mga leader ng Sangguniang Kabataan sa kanilang dedikasyon sa kanilang paglilingkod araw araw sa kanilang nasasakupan.

Gusto ko pong samantalahin ang pagkakataon na ito na maipahatid sa lahat ang aking pag saludo mapa babae man o lalaki na naninirahan at nanglilingkod sa ating lungsod, at sa pagpapatuloy ng ating magandang tradisyon. Sa katunayan, na walang duda na sa ating pagdiriwang ngayong taon, ang ating lungsod ay magpapatuloy na umangat at mas higit pang aangat pag dating ng susunod na henerasyon. Sa pakiki-isa ng mga tao sa ating komunidad, ang pag unlad na ating pinapangarap ay ating maabot.

Mula dito muli kong ipinahahatid ang aking mainit na pagbati sa lahat ng minamahal kong Barangay na nasasakupan, sa ating Aparisyon ng Mahal na Birheng Maria Maligayang Araw ng Kapistahan sa mga sumusunod na Barangays; Silang Crossing (East at West), Maharlika (East at West), Maitim II (East, West at Central), at Barangay Neogan. Maraming Salamat po.

Happy Fiesta fellow Caviteños!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page